Home » 8 Pulis Sinibak sa Viral Warrantless Search

8 Pulis Sinibak sa Viral Warrantless Search

by GNN News
0 comments

Sinibak na sa pwesto ang walong pulis na sangkot sa isang viral video ng warrantless search sa isang bahay sa Taguig City.

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang desisyon, kung saan kabilang ang kanilang substation commander na isinailalim sa one-rank demotion.

Ayon sa ulat, noong Pebrero 9 ay sapilitang pumasok ang mga nasabing pulis sa isang bahay nang walang valid na search warrant. Bukod dito, sila rin ay inasahang sangkot sa physical abuse at pagnanakaw ng pera at gadgets mula sa mga residente ng bahay.

Mariing kinondena ng NCRPO ang insidente at tiniyak na mananagot ang mga pulis na lalabag sa batas at inaabuso ang kanilang kapangyarihan.

You may also like

Leave a Comment