Nanawagan si Senator Joel Villanueva nitong Lunes sa Kamara ukol sa pagpasa ng panukalang batas na nagtataas ng minimum wage ng P200. Aniya, hindi sapat ang pangalan lang ng panukala na natanggap ng mga senador — kailangan ay mayroong malinaw na nilalaman o detalye upang ito ay mapag-usapan at mapagdebatehan sa bicameral conference.

Ipinunto ni Villanueva na hindi lamang kapakanan ng mga manggagawa ang dapat isaalang-alang, kundi maging ng mga negosyanteng maaapektuhan ng biglaang pagtaas ng sahod. Kung walang maayos na batayan at dokumento, mahirap ipagtanggol o amyendahan ang batas.
Dagdag pa ng senador, hindi rin siya sang-ayon sa posibilidad na ma-veto lamang ito ng Pangulo. Sa halip, iminungkahi niya na i-adopt na lang ng Kamara ang P100 wage hike version na naunang ipinasa ng Senado upang mapadali ang proseso.
Samantala, Senate President Francis Escudero ay nagtanong din kung bakit tila last-minute at minadali ang pagpasa ng Kamara sa panukalang ito — isang hakbang na itinuturing ng ilang mambabatas na kulang sa transparency at deliberasyon.