GET READY, FILO ONCE! Muling magbabalik-bansa ang TWICE para sa kanilang ika-anim na world tour na pinamagatang “THIS IS FOR,” na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa darating na Oktubre 4.
Bagama’t inaabangan na ito ng libu-libong tagahanga, wala pang opisyal na anunsyo ukol sa petsa ng ticket selling at iba pang detalye ng konsiyerto.
Samantala, nakatakdang i-release ng sikat na 9-member K-pop girl group ang kanilang bagong full-length album na “This is For” sa darating na July 11, bilang pasimula ng kanilang world tour na magsisimula sa Incheon, South Korea.
Ang pagbabalik ng TWICE sa bansa ay inaasahang magdudulot muli ng matinding excitement sa mga Filipino fans at magpapasiklab sa concert scene ngayong taon.