Home » Taripa sa Foreign Films, Plano ni Trump para sa Hollywood

Taripa sa Foreign Films, Plano ni Trump para sa Hollywood

by GNN News
0 comments

Plano ng Estados Unidos na magpataw ng isandaang porsyentong taripa sa mga foreign films, ayon kay US President Donald Trump, bilang tugon sa lumalalang paghina ng industriya ng pelikula sa Amerika.

Ayon kay Trump, bumababa ang produksyon at kita ng mga pelikulang Hollywood, bunsod ng mas agresibong pag-aalok ng incentives ng mga dayuhang bansa sa mga film makers upang doon nila isagawa ang kanilang shooting.

Sa panig ng pamahalaang Amerikano, ang hakbang na ito ay isang proteksiyon sa lokal na industriya, na ngayo’y humaharap sa matinding kumpetisyon mula sa mga pelikulang gawang-banyaga na sumasabay at minsan ay lumalagpas pa sa kalidad at kita ng mga pelikulang Hollywood.

Nilinaw ni Trump na magsasagawa siya ng konsultasyon sa mga executives ng Hollywood studios upang tukuyin ang mga karampatang hakbang at rekomendasyon bago tuluyang ipatupad ang planong taripa. Layunin ng mga konsultasyong ito na mapanatili ang kasiglahan ng pelikulang Amerikano at matiyak na hindi ito lubusang malulugi sa harap ng global na kompetisyon.

Ang taripa sa foreign films ay bahagi ng patuloy na kampanya ni Trump para sa economic protectionism, kung saan inuuna ang interes ng mga lokal na industriya ng Amerika. Sa kabila nito, umaasa ang administrasyon na makahanap ng balanseng solusyon na hindi makaaapekto nang husto sa global film collaborations at importation.

Inaasahan ang posibleng reaksyon mula sa mga bansa at kompanya sa industriya ng pelikula na maaaring maapektuhan ng bagong panukalang ito.

You may also like

Leave a Comment