
Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa Poechen, isang civilian district sa South Korea, matapos aksidenteng magpakawala ng mga bomba ang dalawang South Korean fighter jets.
Ayon sa Defense Ministry ng South Korea, nangyari ang insidente matapos maling coordinates ang mai-input ng piloto, na nagresulta sa pagbagsak ng walong MK-82 bombs mula sa isang KF-16 fighter jet.
Ang pagsabog ay sumira sa ilang kabahayan, kabilang ang:
- Dalawang residential building
- Isang simbahan
- Isang cargo truck
Labinlimang katao ang nasugatan, dalawa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.
Nagsasagawa noon ng one-day firing military exercise ang South Korean Air Force at ang Estados Unidos nang maganap ang insidente. Bilang tugon, agad na ipinag-utos ang pansamantalang pagtigil ng nasabing military drills habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Ikinabahala ito ni Poechen Mayor, na iginiit na hindi dapat ipagpatuloy ang military exercises hangga’t hindi natitiyak ang kaligtasan ng mahigit 140,000 residente sa lugar.
Patuloy na inaasikaso ng mga lokal na awtoridad at militar ang mga naapektuhan ng pagsabog, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa security lapse na nagdulot ng insidente.