
Lumabas na ang huling survey para sa taon mula sa The Fourth Estate, isang espesyal na proyekto ng GNN Network, na layuning ipakita ang pulso ng bayan limang araw bago ang eleksyon.
Batay sa survey na isinagawa mula Abril 15 hanggang 25, tinanong ang 2,400 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang alamin kung sino ang mga nangunguna sa senatorial race ngayong 2025.
Ayon sa resulta, mga dati at kilalang pangalan pa rin ang umaarangkada sa top 12. Gayunpaman, mahigpit ang laban sa ika-11 at ika-12 na pwesto, kung saan limang kandidato ang halos pantay-pantay ang bilang ng boto:
- Manny Pacquiao
- Willie Revillame
- Camille Villar
- Bam Aquino
- Imee Marcos
Ayon sa survey, less than 1 percent lamang ang agwat sa pagitan ng mga kandidato sa dulo ng Magic 12, kaya’t inaasahang magiging maigting at kapana-panabik ang bilangan sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 12.
Ang nasabing survey ay bahagi ng patuloy na pagbibigay ng GNN ng real-time updates at transparent na impormasyon ukol sa darating na eleksyon.
Bilang paalala, hinihikayat ng GNN ang lahat ng botante na bumoto nang matalino at suriing mabuti ang mga kandidatong ihahalal. Sa mga susunod na araw, maglalabas din ang GNN ng final voter’s guide upang makatulong sa publiko sa kanilang desisyon sa pagboto.
Para sa pinakabagong balita ukol sa halalan 2025, manatiling nakatutok sa GNN at sa “The Fourth Estate.”