Home » Sara Duterte: ‘We Deserve Better’ sa SONA

Sara Duterte: ‘We Deserve Better’ sa SONA

by GNN News
0 comments

“We deserve better.” — ito ang naging matapang na pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Duterte, walang saysay ang mga ulat ng Pangulo kung hindi naman ito nararamdaman ng taumbayan, lalo na sa mga malalayong komunidad. Giit niya, hindi sapat ang mga pangakong paulit-ulit, kung hindi rin naman naaabot ng programa ang pang-araw-araw na hamon ng mga Pilipino.

Inihayag din niya ang kalungkutan sa lumalalang krisis sa kabuhayan, kung saan halos baon sa utang ang pamilyang Pilipino upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, renta, matrikula, at gamot.

Dagdag pa ni Duterte, ang kanyang pangarap para sa bansa ay isang lipunang kung saan hindi na kailangang mag-alala ang mga mamamayan kung saan kukunin ang pambili ng pagkain o pambayad ng renta.

Samantala, una nang kinumpirma ng Bise Presidente na hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos. Bagamat hindi siya pisikal na nandoon, malinaw ang kanyang paninindigan — na dapat ay ramdam ng bawat Pilipino ang tunay na pagbabago.


You may also like

Leave a Comment