Nasabat ng Bureau of Customs–NAIA noong Hunyo 25, 2025 ang kabuuang 580,000 US dollars o katumbas ng ₱34 milyon, kasama pa ang ₱1.2 milyong piso mula sa bagahe ng isang pasaherong paalis patungong Hong Kong.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang salaping hindi idineklara matapos dumaan sa routine x-ray screening ang checked-in baggage ng pasahero. Walang anumang deklarasyon ng nasabing halaga, na malinaw na paglabag sa umiiral na batas.

Ang salapi ay natagpuan na maingat na nakatago sa loob ng bagahe, at agad itong kinumpiska ng mga awtoridad. Nahaharap ngayon ang pasahero sa inquest proceedings kaugnay ng posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Anti-Money Laundering Act (AMLA), at sa mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya upang matukoy kung may mas malalim na sindikato sa likod ng tangkang paglabas ng salaping hindi idineklara mula sa bansa.


You may also like

Leave a Comment