
Marso 13, 2025 | 9:00 AM GMT+08:00
Isang babaeng miyembro ng Special Action Force (SAF) ang magsasampa ng kaso laban kay Honeylet Avanceña, common-law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos umanong pukpukin ng cellphone sa ulo sa kasagsagan ng pag-aresto kay Duterte.
Ayon sa ulat, tinamaan ng matinding hampas ang SAF officer na hindi pinangalanan, na nagdulot ng malaking bukol sa kanyang ulo. Ang insidente ay nahuli sa video habang pansamantalang inilalayo ng mga awtoridad ang mag-ina ni Duterte upang bigyang-daan ang dating pangulo patungo sa chartered plane na magdadala sa kanya sa The Hague, Netherlands.
PNP: Wala Namang Nasaktan sa Kampo ni Duterte
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, walang naiulat na nasaktan mula sa panig ni Duterte, ngunit kinumpirma nila ang insidente ng pananakit kay SAF officer.
Ang legal na hakbang ng SAF officer ay kasalukuyang inaasikaso, habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.