
Good news sa mga motorista! Matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na dagdag-presyo, magkakaroon ng rollback sa presyo ng langis ngayong linggo.
Ayon sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, bababa ng P0.55 kada litro ang presyo ng gasolina, habang ang diesel ay bababa ng P0.65 kada litro. Samantala, P0.90 kada litro ang magiging rollback ng kerosene.
Epektibo ang rollback simula ngayong Martes, Mayo 7, at inaasahang mararamdaman ito ng mga motorista sa mga gasolinahan sa buong bansa.
Ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay inaasahang magbibigay ginhawa sa mga consumer, partikular na sa sektor ng transportasyon at logistics na madalas maapektuhan ng pagtaas ng fuel cost.
Bagamat pansamantala, malaking tulong pa rin ito lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa. Hinihikayat ang mga motorista na samantalahin ang rollback at magpa-full tank habang mababa pa ang presyo.
Ang pagbabago sa presyo ng langis ay kadalasang nakabase sa galaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado. Kaya’t patuloy na minomonitor ng mga kumpanya ang mga global indicators para sa mga susunod pang adjustments.
Manatiling nakatutok sa GNNTV para sa mga susunod na update kaugnay sa presyo ng langis at iba pang mahahalagang balita sa ekonomiya.