Home » Iran missile hits US base, Qatar airspace closed

Iran missile hits US base, Qatar airspace closed

by GNN News
0 comments

Isinara nitong Lunes ang airspace ng Qatar matapos ang pag-atake ng missile ng Iran sa US air base sa Gulf.

Ayon sa mga ulat, nasa 31 overseas Filipino workers (OFWs) ang naantala ang biyahe pauwi ng Pilipinas dahil sa Qatar airspace closure. Pansamantala munang hindi pinayagan ang mga flight na lumipad o lumapag sa naturang bansa bilang bahagi ng seguridad sa himpapawid.

Bukod dito, ilang flights mula sa Pilipinas ang kinansela, partikular na ang mga biyahe patungong Doha, Riyadh, at Dubai, ayon sa Philippine Airlines. Kabilang ito sa agarang hakbang upang maiwasan ang posibleng panganib bunsod ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Ang Qatar airspace closure ay kasunod ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, na nagbunsod ng missile strike sa isang US air base sa Gulf region. Patuloy pa ring mino-monitor ng mga aviation authorities ang sitwasyon upang masigurong ligtas ang pagbabalik-operasyon ng mga flight.

Pinapayuhan ang mga pasahero na apektado ng kanselasyon na makipag-ugnayan agad sa kani-kanilang airline para sa rebooking o refund ng kanilang tickets. Mahigpit ding binabantayan ng Department of Migrant Workers ang kalagayan ng mga Pilipino sa rehiyon, lalo na ang mga OFW na apektado ng sitwasyon.


You may also like

Leave a Comment