Home » Proteksyon sa Bata Laban sa OSAEC

Proteksyon sa Bata Laban sa OSAEC

by GNN News
0 comments



Lumabas sa ulat ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Davao Region na halos lahat ng kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) ay may kaugnayan sa mga magulang mismo ng mga biktima.

Ayon kay Atty. Janet Grace B. Dalisay-Fabrero, Regional Prosecutor at Chair ng IACAT-11 Network, binigyang-diin niyang kailangang palakasin ang proteksyon at gabay sa mismong tahanan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng cybersex abuse sa mga menor de edad.

Aniya, sa maraming kaso, ang mga magulang mismo ang siyang nanghihikayat sa kanilang mga anak na pumasok sa prostitusyon online. Dahil dito, panawagan ng IACAT-11 ang mas mahigpit na pagbabantay at tamang edukasyon sa mga magulang para mapangalagaan ang karapatan ng mga bata.

Dagdag pa niya, hindi lamang paaralan ang may pananagutan sa pagbibigay ng awareness programs tungkol sa online abuse, kundi ito ay dapat magsimula sa loob ng bahay. Ang bawat magulang ay dapat maging unang tagapagtanggol ng kanilang anak.

Ang IACAT ay patuloy sa pagbuo ng mga kampanya, training, at kooperasyon kasama ang mga LGU at ahensya para masugpo ang OSAEC sa rehiyon.


You may also like

Leave a Comment