SA DARATING NA YEARLY PRIDE MONTH CELEBRATION NGAYONG SABADO SA MAKATI CITY, DADALO ANG ILAN SA MGA KILALANG LGBTQ+ PERSONALITIES, KABILANG NA ANG MGA DRAG QUEENS. ANG SIYUDAD AY AKTIBO SA PAGTAGUYOD NG DIVERSITY, INCLUSIVITY, AT NAGLALAYONG MAGKAROON NG WELCOMING SPACE PARA SA LAHAT.
GAYUNPAMAN, NAGLABAS ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG ABISO TRAPIKO SA NASABING MGA ARAW. GAGANAPIN ANG NATURANG SELEBRASYON SA GANAP NA ALAS KWATRO NG HAPON, SA BARANGAY POBLACION, MAKATI.

Ang taunang Pride event ay hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang pahayag ng suporta sa karapatan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian at identidad. Inaasahan ang makulay at masayang parada, kasabay ng mga pagtatanghal ng mga drag queens at iba pang LGBTQ+ artists.
Inaanyayahan ang publiko na makiisa at makibahagi sa kapayapaan at kasiyahan ng selebrasyon habang isinusulong ang mas malawak na pagtanggap sa lipunan.