Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Magandang balita para sa mga mamimili! Nakatakdang bumaba ang presyo ng bigas at karneng baboy ngayong buwan, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon kay Laurel, ang pagbaba ng presyo ay resulta ng pagsunod sa pandaigdigang presyo ng mga pangunahing bilihin. Dahil dito, inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa ā±45 kada kilo pagsapit ng katapusan ng buwan.
Samantala, ang presyo ng karneng baboy ay babagsak sa ā±350 hanggang ā±380 kada kilo sa susunod na linggo.
Patuloy na mino-monitor ng Department of Agriculture ang sitwasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin, na malaking tulong para sa mga pamilyang Pilipino.