Home » Pope Francis Nakauwi na mula sa Pagkakasakit

Pope Francis Nakauwi na mula sa Pagkakasakit

by GNN News
0 comments

Marso 25, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00

Nakauwi na ng Vatican si Pope Francis matapos ang tatlumpu’t walong araw na pamamalagi sa Rome Gemeli Hospital dahil sa sakit na pneumonia. Sumilip nitong linggo ang Santo Papa sa kaniyang silid upang batihin ang mga masugid na nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

Sa kanyang dinanas na sakit, maraming spekulasyon ang nabuo katulad ng pagbibitiw ng Santo Papa sa kanyang pwesto dahil sa agaw-buhay nitong kalagayan sa ospital, ngunit mariin na itinanggi ng Vatican aides ang usaping ito. Bagamat nakalabas na ng ospital, sasailalim pa rin ang Santo Papa sa dalawang buwang pagpapagaling upang matiyak ang kanyang kalusugan at ganap na paggaling.

Ang pagbabalik ni Pope Francis mula sa ospital ay tinuturing na isang malaking kagalakan ng mga tagasunod ng simbahan. Patuloy ang kanyang mga adhikain para sa kapayapaan at kabutihang panlahat, kaya’t inaasahan ng marami na magsisilbing inspirasyon siya sa mga nananalig sa kabila ng mga pagsubok na kanyang hinarap. Ang kanyang mabilis na paggaling ay nagpapakita ng lakas at pananampalataya, at ang kanyang pagbabalik sa mga gawain ng simbahan ay tiyak na magiging mahalaga sa mga proyekto at misyon ng Vatican.

You may also like

Leave a Comment