Home » PNP Magde-deploy ng 37K Pulis sa Balik-Eskwela

PNP Magde-deploy ng 37K Pulis sa Balik-Eskwela

by GNN News
0 comments

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng mga estudyante sa darating na pagbabalik-eskwela sa June 16.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, tinatayang 37,000 uniformed personnel ang ide-deploy ng PNP sa iba’t ibang paaralan at lansangan sa bansa upang masigurong ligtas ang mga mag-aaral.

Bukod pa rito, mahigit 5,000 pulis ang itatalaga sa mga Police Assistance Desk para magbigay ng tulong at impormasyon sa mga estudyante at magulang.

Pahayag ni PNP Chief General Nicolas Torre III, magiging isang pagsusulit din ito sa kakayahan ng pulisya sa mabilis na pagresponde sakaling magkaroon ng insidente.

Tiniyak ng PNP na makikipagtulungan din sila sa mga lokal na pamahalaan, barangay officials, at iba pang stakeholders upang maging maayos at ligtas ang pagbabalik-eskwela ng mga kabataan.

You may also like

Leave a Comment