Home » Plano ng Pilipinas sa OFW Evacuation mula Israel

Plano ng Pilipinas sa OFW Evacuation mula Israel

by GNN News
0 comments


Pinaplano na ng Embahada ng Pilipinas sa Israel na pauwiin ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng lupa o dagat kasunod ng pagsasara ng airspace ng Israel at Jordan dahil sa patuloy na tensyon kontra Iran.

Kinukonsidera ng ahensya na idaaan ang mga OFW sa Jordan at Egypt upang masigurong ligtas silang makabalik sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), may 18 na OFWs na ang nakauwi kamakailan, subalit isa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon matapos maipit ang leeg sa gitna ng kaguluhan.

Tinatayang nasa 30,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Israel. Gayunpaman, ayon sa DMW, mahirap tukuyin kung ilan talaga ang nasa panganib nang hindi nagdudulot ng hindi kinakailangang alarma.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada at mga ahensya ng gobyerno para sa ligtas at maayos na repatriation ng mga OFW.

You may also like

Leave a Comment