Home » Pinoy, Naaresto sa US Immigration Ops sa LA

Pinoy, Naaresto sa US Immigration Ops sa LA

by GNN News
0 comments


Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na kabilang ang isang Pilipino sa mga naaresto sa isinagawang immigration operation ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Los Angeles, California.

Ayon sa konsulado, hindi umano siya kabilang sa mass raid na inilunsad kamakailan sa lungsod, kundi naaresto siya sa isa pang kasabay na operasyon ng ICE dahil sa kanyang kasong kinahaharap na theft at rape, na siya rin umanong dahilan ng kanyang pagkakakulong noon.

Dagdag pa ng konsulado, inaasahang ide-deport ang nasabing Pinoy matapos niyang mapaglingkuran ang kanyang sentensiya sa Amerika.

Sa kabila ng mga ulat ukol sa mga protestang isinasagawa sa Los Angeles laban sa mga immigration raids, wala pang naiulat na ibang Pilipinong naaresto at nasa maayos na kalagayan umano ang Filipino-American community sa lugar, ayon sa opisyal na ulat ng konsulado.


You may also like

Leave a Comment