Home » Php 20 Kada Kilo Bigas, Hatid Ng Walang Gutom

Php 20 Kada Kilo Bigas, Hatid Ng Walang Gutom

by GNN News
0 comments

Malugod na sinalubong ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ang pagbebenta ng Php 20 kada kilo bigas sa isinagawang food redemption ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tondo, Maynila.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nasabing aktibidad, na isinabay sa pirmahan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang Department of Agriculture. Layon ng kasunduan ang pagpapatuloy ng suplay ng murang bigas para sa mga kwalipikadong pamilya.

Ayon sa DSWD, ang programang ito ay bahagi ng malawakang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wakasan ang kagutuman sa bansa, lalo na sa mga pamilyang tinukoy bilang food-poor. Target ng Php 20 kada kilo bigas na programa ang mahigit 300,000 benepisyaryo sa buong bansa.

Bukod sa abot-kayang presyo, sinisiguro rin ng mga ahensya ang kalidad at sapat na suplay ng bigas upang maging sustainable ang programa sa mga susunod na buwan. Dagdag pa rito, hinihimok ng pamahalaan ang partisipasyon ng mga lokal na magsasaka at kooperatiba upang mapalakas ang lokal na produksyon.


You may also like

Leave a Comment