Opisyal nang kwalipikado ang Philippine Women’s National Football Team para sa 2026 AFC Women’s Asian Cup sa Australia matapos ang malinis na sweep sa Group G qualifiers na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.
Tinalo ng koponan ang Hong Kong, Saudi Arabia, at host country Cambodia, dahilan para manatiling undefeated at may clean slate sa naturang kompetisyon.
Ito na ang ikatlong sunod na beses na makakasali ang Filipinas sa prestihiyosong continental tournament, na nagsisilbing qualifier para sa 2027 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa Brazil.

Nagpapakita ito ng patuloy na pag-angat ng antas ng women’s football sa bansa, kalakip ng suporta mula sa Philippine Football Federation at iba pang lokal na sports stakeholders.
Target ngayon ng Philippine Women’s Football Team na makapasok muli sa World Cup, matapos ang makasaysayang debut sa 2023 edition na ginanap sa Australia at New Zealand.
Patuloy ang pag-eensayo ng koponan upang mapanatili ang momentum at mas mapaghandaan ang Asia Cup 2026 at mga susunod pang internasyonal na torneo.