Home » Pekeng Taxi Rates sa NAIA, Ikinabahala

Pekeng Taxi Rates sa NAIA, Ikinabahala

by GNN News
0 comments

Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat laban sa kumakalat na pekeng taxi rates na umano’y ginagamit ng ilang taxi operators at drayber sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang pekeng rate card ay naglalaman ng labis na mataas na singil sa pamasahe kumpara sa tamang bayad. Napag-alamang may taglay itong lumang logo ng MIAA upang magmukhang opisyal, ngunit ito’y iligal at hindi kinikilala ng pamahalaan.

Ginagamit ito ng mga colorum na drayber upang linlangin ang mga pasahero at singilin ng umano’y “mas mababang presyo,” ngunit ang totoo ay sobra-sobra ito sa itinakdang pamasahe.

Hinimok ng MIAA ang publiko na maging mapanuri at huwag tangkilikin ang mga kahina-hinalang taxi, lalo na sa airport terminals. Mainam din na gamitin lamang ang mga accredited na transport services upang makaiwas sa panlilinlang.

Pinaalalahanan din ng MIAA ang mga pasahero na i-report agad sa mga otoridad kung sakaling makaranas ng ganitong modus.


You may also like

Leave a Comment