Home » Parents Welfare Act, Layon Protektahan ang Magulang

Parents Welfare Act, Layon Protektahan ang Magulang

by GNN News
0 comments


Parents Welfare Act, Layon Protektahan ang Magulang

Naghain si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng panukalang batas na tinawag na “Parents Welfare Act of 2025” na layong obligahin ang mga anak na huwag pabayaan ang kanilang mga magulang sa kanilang pagtanda.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring managot ang mga anak na umiiwas sa kanilang obligasyong magbigay ng suporta sa matatandang magulang, lalo na kung ang mga ito ay may karamdaman, may kapansanan, o wala nang kakayahang kumita.

Ayon kay Lacson, ang mga anak na bigong sumunod sa support order ay maaaring parusahan ng:

  • Levy o pagkuha ng bahagi ng kanilang ari-arian
  • Pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan
  • Multa na hanggang P100,000

Samantala, ang sinumang naatasang mag-alaga sa magulang ngunit bigla na lamang iiwan o pababayaan ang kanilang tungkulin ay maaaring makulong ng anim hanggang sampung taon, at pagmumultahin ng P300,000.

Layon ng Parents Welfare Act 2025 na paigtingin ang kultura ng pagmamalasakit at responsibilidad ng mga anak sa kanilang magulang, bilang kapalit ng pag-aaruga at sakripisyo ng mga ito noong kabataan nila.


You may also like

Leave a Comment