Nakakulong ngayon sa Malaysia ang 12 nating kababayang OFWs dahil sa paggamit umano ng pekeng entry stamps at permits upang makapagtrabaho sa Laos. Ayon sa ulat, apat sa kanila ay lalaki at walo ay babae. Ang insidente ay kaugnay ng paglalantad sa mga iligal na recruiter na nag-aalok ng trabaho kapalit ng pekeng dokumento

Ayon sa impormasyon, ang mga OFWs gamit pekeng dokumento ay nabiktima ng isang modus na nangangako ng trabaho bilang call center agents sa Laos, na may sahod na aabot umano sa ₱50,000 kada buwan.
Dahil sa paniniwala, bumiyahe sila mula Manila patungong Puerto Princesa, bago nagtuloy sa Dipolog City, Zamboanga City, Basilan, at Siasi.
Gamit ang pekeng dokumento, tumawid sila patungong Sabah at narating ang Kota Kinabalu, Malaysia. Sa kanilang pagtatangkang makatawid patungong Thailand, naharang sila sa border at tuluyang inaresto ng mga awtoridad sa Malaysia.
Ang kaso ng mga OFWs gamit pekeng dokumento ay muling nagpapakita ng panganib ng illegal recruitment at ang patuloy na banta ng human trafficking. Dahil dito, nananawagan ang mga awtoridad sa mga Pilipino na mag-ingat at tiyaking dumadaan sa legal na proseso ang anumang job offer abroad.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang masuri ang kalagayan ng 12 OFWs at matulungan silang makauwi sa bansa.
Muling paalala sa publiko: huwag basta-basta magtiwala sa mga alok ng trabaho online o sa mga hindi kilalang indibidwal. Ang kaligtasan at legalidad ay dapat laging inuuna sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.