Home » Ilang OFW Sugatan sa Iran-Israel Airstrikes

Ilang OFW Sugatan sa Iran-Israel Airstrikes

by GNN News
0 comments


Hindi bababa sa apat na Pilipino ang nasaktan at agad na isinugod sa ospital matapos ang retaliatory air strikes ng Iran laban sa Israel.

Sa mga biktima, isa ang nasa kritikal na kalagayan, habang isang Pinay na OFW ang pansamantalang nanunuluyan sa hotel matapos tamaan ng Iranian missile ang kanyang bahay.

Ayon sa datos, tinatayang 31,000 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Israel. Sa kabila ng tumitinding tensyon, 60 OFWs na ang nasa repatriation queue, umaasang makauwi bago pa lumala ang sitwasyon.

Patuloy na binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kalagayan ng mga Pinoy sa Israel at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa embahada para sa kanilang kaligtasan at posibleng agarang pag-uwi.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga kamag-anak ng mga OFW na maaaring makipag-ugnayan sa DMW hotlines upang malaman ang pinakahuling impormasyon at estado ng kanilang mahal sa buhay.


You may also like

Leave a Comment