
Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Bumisita sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang academic delegates mula sa Yokohama National University sa Japan, bilang bahagi ng kanilang academic field visit sa Pilipinas.
Kasama rin sa pagbisita ang mga estudyante mula sa University of Santo Tomas-Graduate School, na nagnanais matutunan ang mandato at serbisyo ng MMDA, kabilang ang pagpapatupad ng mga patakaran at proyekto sa trapiko sa Metro Manila, emergency search and rescue response sa panahon ng sakuna, pagpapabuti ng sistema ng transportasyon at traffic safety education, at urban planning at transportation system development.
Pinangunahan ng Office of the Assistant General Manager for Planning at Traffic Engineering Office ang talakayan ukol sa mga hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko, pagpapatupad ng batas-trapiko, at kaligtasan ng motorista at pedestrian sa Metro Manila.
Ayon sa mga opisyal ng MMDA, ang pagbisitang ito ay isang patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa larangan ng urban planning at transport management.