Home » DOJ, naniniwalang malaki ang naging papel ng POGO ban sa pagka-alis ng bansa sa greylist

DOJ, naniniwalang malaki ang naging papel ng POGO ban sa pagka-alis ng bansa sa greylist

by GNN News
0 comments

Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na malaki ang naging epekto ng pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa pagtanggal ng Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) Grey List.

Ayon kay DOJ Deputy State Prosecutor Deana Perez, ang desisyong ito ng gobyerno ay isang “malaking salik” sa muling pagkapasa ng bansa sa pagsusuri ng FATF, isang inter-governmental body na nagtatakda ng mga pandaigdigang pamantayan laban sa money laundering at terrorism financing.

Ipinaliwanag ni Perez na ang regulatory measures ng PAGCOR sa mga casino ay isa sa mga huling requirement na natugunan upang makapasa sa FATF assessment.

Matatandaang noong 2021, isinama ang Pilipinas sa Grey List matapos matukoy ang 18 deficiencies sa pagsugpo ng money laundering at terorismo. Kabilang sa mga naunang isyung itinama ng gobyerno ay:

  • Mahinang regulatory supervision sa operasyon ng pagsusugal at POGO
  • Kakulangan sa pagpapatupad ng parusa sa mga paglabag
  • Pagkaantala sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020

Dahil sa mga repormang ito, matagumpay na natanggal ang bansa sa Grey List, na nangangahulugang bawas na ang international financial monitoring sa Pilipinas at mas magiging madali ang dayuhang transaksyon at pamumuhunan sa bansa.

You may also like

Leave a Comment