Home » Mga inabandonang Pinoy seafarers, ligtas nang nakauwi sa bansa

Mga inabandonang Pinoy seafarers, ligtas nang nakauwi sa bansa

by GNN News
0 comments

Ligtas nang nakabalik sa bansa ang tatlong Pilipinong seafarers na naabandona bilang crew members ng Team Porter, isang na-salvage na rescued vessel sa Germany.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nagaganap ang pag-abandona sa mga marino kapag ang may-ari ng barko ay hindi nagpapasahod nang hindi bababa sa dalawang buwan o kung kusang pinutol ng shipowner ang kanilang ugnayan sa tripulante. Kabilang dito ang hindi pagsunod sa mga pagbabago sa kontrata sa loob ng parehong panahon.

Batay sa datos ng DMW, mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon, umabot na sa 373 kaso ng abandonadong Filipino seafarers na naka-deploy sa iba’t ibang sasakyang-dagat sa buong mundo.

Patuloy namang nananawagan ang DMW sa mas mahigpit na proteksyon at regulasyon para sa mga migranteng manggagawa sa maritime industry upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap.

You may also like

Leave a Comment