Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Inilunsad ng Meta ang isang facial recognition tool upang matukoy ang mga pekeng advertisements na gumagamit ng larawan ng mga celebrities sa Europe at South Korea.
Ayon kay Meta Cyberthreat Director, makatutulong ang bagong teknolohiyang ito sa pagtukoy at pagsugpo ng maling paggamit ng larawan ng mga personalidad, na madalas ginagamit sa mga scam at mapanlinlang na ads.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng Meta ang pagpapalawak ng tool na ito upang mas maraming public figures mula sa iba’t ibang bansa ang maprotektahan mula sa maling paggamit ng kanilang imahe sa digital ads.
Ayon sa Meta, patuloy nilang paiigtingin ang seguridad sa kanilang platform upang labanan ang mga scam advertisements at disinformation.