Home » NewJeans, Nagdeklara ng Hiatus matapos ang Performance

NewJeans, Nagdeklara ng Hiatus matapos ang Performance

by GNN News
0 comments

Marso 24, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00

Malungkot na balita po sa mga fans ng NewJeans o kilala bilang Bunnies. Inanunsyo ng K-pop supergroup sa isang show sa ComplexCon Hong Kong nitong linggo na huling performance na muna ito ng grupo. Pansamantala munang nasa hiatus ang NewJeans, kasunod ng pagpabor ng korte sa dating label ng girl group na ADOR, na ipagbawal ang ‘independent activities’ ng grupo sa ilalim ng pangalang NewJeans.

Nobyembre nang nakaraang taon nang inanunsyo ng five-member group ang pag-terminate nila ng kontrata sa ADOR, matapos nitong akusahan ang label ng pangmamaltrato, at isa rito ay ang naranasan umano nilang workplace bullying. Itinuturing ang NewJeans na isa sa K-pop’s fastest-rising acts, dahil sa kanilang nostalgic blend ng 1990s at early 2000s pop at R&B.

Ang balitang ito ay nagdulot ng kalungkutan sa mga fans ng grupo, ngunit umaasa ang mga tagahanga na magbabalik pa ang NewJeans sa kanilang mga aktibidad at proyekto. Patuloy ang pagmamahal at suporta ng mga Bunnies sa grupo, na patuloy na nagiging inspirasyon sa industriya ng K-pop.

Ang NewJeans ay isa sa mga pinaka-kilalang K-pop groups ngayon, at marami ang umaasa na makikita silang muli sa kanilang mga bagong proyekto.

You may also like

Leave a Comment