Home » MMDA Nilinaw ang Proseso sa NCAP Violations

MMDA Nilinaw ang Proseso sa NCAP Violations

by GNN News
0 comments


Sa harap ng mga tanong mula sa mga motorista ukol sa No Contact Apprehension Policy (NCAP), nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi awtomatikong natitiketan ang mga paglabag na makikita sa CCTV.

Ayon sa MMDA, dumadaan muna sa manual review at validation ang bawat kuhang paglabag upang tiyakin ang tamang pagkaka-issue ng Notice of Violation.

Sa tala ng ahensya, mula sa 8,586 na insidente, 4,100 lamang ang kumpirmadong paglabag. Ipinapakita nito na may maingat na proseso bago ipatupad ang multa.

Dagdag pa rito, nilinaw ng mga opisyal na disiplina at hindi multa ang layunin ng polisiya. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, bukas ang ahensya sa mga reklamo, suhestiyon, at ideya mula sa iba’t ibang sektor upang mapabuti pa ang implementasyon ng NCAP.

Tiniyak din ng MMDA ang seguridad ng mga datos at sistema upang maiwasan ang maling paggamit o scam.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang MMDA sa LTFRB upang tugunan ang hiling ng mga TNVS drivers na magkaroon ng sticker para sa madaling pagkakakilanlan ng kanilang mga sasakyan.

You may also like

Leave a Comment