
Mga natatanging kababaihan sa iba’t ibang larangan, pinarangalan bilang selebrasyon ng Womenās Month ngayong Marso. Ginawaran ng pagkilala ng Gawad Pilipino Awards ang mga babae sa lahat ng sektor na siyang tumutulong upang iangat ang bukas sa bagong Pilipinas.
Pinangunahan ng Founding Chairman ng Gawad Pilipinas Dr. Danilo Mangahas ang pagtitipon na ginanap sa Tejeros Hall, AFP Clubhouse Camp Emilio Aguinaldo, Linggo ng gabi.
Kasama sa mga pinarangalan ng Gawad Pilipino Nation Womenās Month Outstanding Senator of the Year si Sen. Pia Cayetano, para sa kanyang mga adbokasiya at batas para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata.
Samantala, nabigyan din ng parangal ang ilan pang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan ng serbisyo publiko kasama ang mga opisyal ng pamahalaan gaya nila Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ang kumatawan ay si Usec. Goddess Hope Libiran; Commission on Higher Education Commissioner Dr. Shirley Agrupis; Public Attorneyās Office Chief Persida Rueda-Acosta; National Commission on Indigenous People Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las; Department of Agrarian Reform Undersecretary Rowena Taduran; OFW Partylist Representative Marissa Del Mar Magsino; at Bulacan 4th Disctrict Congresswoman Linabelle Ruth Villarica.
Kasama din sa mga pinarangalan na uniformed personnel sina TSG Arleene Arat Mordeno ng Philippine Army at Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval.
Kabilang sa mga kategorya ng mga parangal ay business, socio-civil, local government units at mga barangay official, artists at media. Kabilang din sa tumanggap ng parangal sina Dianne Querrer ng PTV 4, Rikki Mathay ng Net 25, at GNN-Golden Nation Network Vice President for Operations at Face the Nation Host Lorlyn Garcia-Velarde bilang natatanging Pilipina sa larangan ng Pamamahayag.