Home » Nakabubuhay na Sahod, Hiling ng Nurses

Nakabubuhay na Sahod, Hiling ng Nurses

by GNN News
0 comments

Bago pa man magsimula ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakabubuhay na sahod ang naging pangunahing panawagan ng grupong Filipino Nurses United (FNU).

Ayon sa FNU President, sa kasalukuyan ay ₱695 lamang kada araw ang sahod ng mga nars sa pribadong sektor, habang ang mga entry-level nurses sa gobyerno ay tumatanggap ng humigit-kumulang ₱36,000 kada buwan.

Giit ng grupo, hindi sapat ang kita ng mga nars para tugunan ang pang-araw-araw na gastusin, lalo pa’t sila ang pangunahing tagapangalaga ng kalusugan ng publiko. Nanawagan din sila ng libreng at dekalidad na serbisyong medikal, dahil masyado umanong mabigat ang gastos mula sa sariling bulsa ng mga pasyente.

Dagdag pa rito, inilahad ng FNU ang kakulangan ng tauhan sa mga ospital. Anila, may mga pagkakataong isang nars ang humahawak ng hanggang 40 pasyente, na lubhang nakaaapekto sa kalidad ng pangangalaga at kaligtasan ng mga pasyente.

Inaasahan ng grupo na mapapakinggan ang kanilang hinaing sa SONA, at maisama sa mga prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga frontliner sa kalusugan.


You may also like

Leave a Comment