My Chemical Romance Concert Sa PH 2026
Get ready, Killjoys! Kumpirmado na kabilang ang Pilipinas sa anim na bansang bibisitahin ng American rock band na My Chemical Romance (MCR) para sa kanilang South East Asia 2026 Tour.
Gaganapin ang highly anticipated na My Chemical Romance concert sa PH sa April 25, 2026, sa Philippine Arena, Bulacan. Ito ay inaasahang dadagsain ng libu-libong fans na sabik na mapanood muli nang live ang kanilang emo music icons.
Ang bandang MCR, na kilala sa kanilang signature hits na “Teenagers,” “Welcome to the Black Parade,” “I’m Not Okay (I Promise),” at “I Don’t Love You,” ay muling binuhay ang emosyon ng kanilang mga tagahanga sa buong mundo matapos ang reunion tour nila noong 2019.

Bagama’t inanunsyo na ang concert date at venue, wala pang inilalabas na opisyal na detalye tungkol sa tickets, seat plan, o ticket prices. Inaasahan naman ng mga tagahanga na maglalabas ng karagdagang impormasyon ang organizers sa mga susunod na linggo.
Ang My Chemical Romance concert sa PH ay isa sa mga inaabangan na music events ng taon, lalo na para sa mga batang 2000s na lumaki sa emo rock scene. Ito ay muling magbubuklod sa generasyong pinanday ng itim na eyeliner, heartbreak anthems, at rebellious spirit.