Kinumpirma ng Bangsamoro Health Ministry ang dalawang kaso ng monkeypox o mpox sa Maguindanao del Norte nitong Linggo. Ayon sa ulat ng regional health authorities, kabilang sa mga naitalang kaso ng monkeypox cases sa Maguindanao ay isang 59-anyos na babae mula sa Sultan Kudarat, at isang 28-anyos na babae mula sa Datu Odin Sinsuat.
Ang monkeypox cases sa Maguindanao ay kasalukuyang binibigyang atensyon ng mga eksperto sa rehiyon. Ayon sa Bangsamoro Health Ministry, naka-recover na ang isa sa mga pasyente habang patuloy na mino-monitor ang kondisyon ng isa pa.
Samantala, anim pang potensiyal na kaso ng mpox ang kasalukuyang binabantayan sa buong rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang mga samples mula sa mga hinihinalang kaso ay isinailalim na sa confirmatory testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila.

Bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng monkeypox cases sa Maguindanao, pinaigting ng regional health ministry ang kanilang contact tracing at public information campaign. Inabisuhan din ang mga lokal na pamahalaan at health workers na palakasin ang surveillance sa kanilang nasasakupan.
Paalala ng mga eksperto, ang monkeypox ay isang viral disease na maaaring maipasa sa pamamagitan ng close contact sa taong may sintomas, lalo na kung mayroong rashes, sugat, o respiratory secretions. Hinikayat ang publiko na agad kumonsulta sa pinakamalapit na health facility sa oras na makaranas ng anumang sintomas.
Patuloy na nakatutok ang Bangsamoro Health Ministry sa sitwasyon upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at masigurong may sapat na tugon ang mga lokal na ospital at pasilidad pangkalusugan.