Kumpirmado na ang unang kaso ng Monkeypox o Mpox sa Bacolod City, ayon sa opisyal na pahayag ng Bacolod City Health Office nitong Linggo.
Ipinahayag ni Mayor Albee Benitez na naka-isolate at nasa stable na kalagayan ang pasyente. Kasalukuyan na rin itong binabantayan ng mga health authorities. Bilang tugon, agad na nagsagawa ng contact tracing ang lokal na pamahalaan upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng sakit sa komunidad.

Pinaalalahanan ni Mayor Benitez ang publiko na manatiling kalmado at sumunod sa mga itinakdang health protocols at hygiene practices. Hinihikayat din ang mga mamamayan na magpakonsulta agad sa doktor kung makaranas ng anumang sintomas na maaaring may kaugnayan sa monkeypox.
Ang Monkeypox sa Bacolod City ay isang seryosong paalala sa kahalagahan ng maagap na aksyon ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga banta sa kalusugan. Patuloy na nagbabantay ang Bacolod CHO para masiguro ang kaligtasan ng lahat.