Aksidente umanong natamaan ng isang contractor ang major pipeline ng Maynilad habang nagsasagawa ng konstruksyon sa Tondo, Manila, dahilan para magkaroon ng malawakang water interruptions sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
Ayon sa ulat, tinatayang 352,000 na konsyumer ang naapektuhan ng kawalan ng tubig, partikular sa mga sumusunod na lugar: Cavite, Las Piñas, Manila, Parañaque, at Pasay.
Ang insidente ay nagdulot ng 20 oras na pagkaantala ng water service. Gayunpaman, tiniyak ng Maynilad na maibabalik na ang serbisyo ngayong araw, matapos ang agarang pag-aksiyon at pagsasaayos sa nasirang linya.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na mag-ipon ng tubig habang inaantay ang normalisasyon ng serbisyo.