Home Ā» MATINDING AKSYON LABAN SA ONLINE CHILD ABUSE, NAIS IPATUPAD

MATINDING AKSYON LABAN SA ONLINE CHILD ABUSE, NAIS IPATUPAD

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Nanawagan ang CitizenWatch Philippines ng mas matinding aksyon laban sa online child abuse, kasunod ng ulat na ang Pilipinas ang pangunahing pandaigdigang pinagmumulan ng child sexual abuse materials.

Ayon sa International Justice Mission (IJM), nasa mahigit 500,000 menor de edad sa bansa ang naging biktima ng online child exploitation, na patuloy na lumalala dahil sa madaling akses sa digital platforms.

Ayon kay Kit Belmonte, co-convenor ng CitizenWatch PH, kinakailangang magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon sa digital platforms, mas matibay na pandaigdigang ugnayan sa pagsugpo ng ganitong krimen, at mas pinaigting na edukasyon ng mga magulang upang maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa online predators.

Bagamat kinikilala ni Belmonte ang mga hakbang ng telecommunication firms, internet providers, at technology companies sa pag-block ng illegal content online, iginiit niyang marami pang kailangang ipatupad upang ganap na mapuksa ang online child sexual exploitation sa bansa.

Hinimok ng grupo ang gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan na magtulungan upang tiyakin ang mas mahigpit na batas at epektibong pagpapatupad ng regulasyon laban sa online child abuse.

You may also like

Leave a Comment