Home » Mariah Carey Balik-Pilipinas para sa One-Night Concert

Mariah Carey Balik-Pilipinas para sa One-Night Concert

by GNN News
0 comments

Marso 25, 2025 | 7:30 AM GMT+08:00

Balik Pilipinas si multi-awarded global superstar Mariah Carey para sa kanyang one-night concert sa bansa ngayong darating na Oktubre. Inanunsiyo ito ng award-winning superstar sa kaniyang social media post, kasabay ng mga bansa kung saan gaganapin ang kaniyang pinaka inaabangang world tour na ‘The Celebration of Mimi.’

Ang concert ni Mariah Carey ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa ika-labing apat ng Oktubre. Bagamat inanunsyo na ang petsa at lokasyon, ang iba pang mga detalye tulad ng ticket prices ay kasalukuyan pang hindi inaanunsiyo. Ang kanyang world tour ay isang espesyal na selebrasyon ng kanyang matagumpay na karera, kung saan magbibigay siya ng isang gabi ng kamangha-manghang pagtatanghal sa kanyang mga tagahanga sa Pilipinas.

Ang mga fans ni Mariah Carey, na kilala sa kanyang mga iconic hits tulad ng “We Belong Together,” “Hero,” at “All I Want for Christmas Is You,” ay tiyak na sabik nang makita ang superstar sa personal. Ang kanyang pagbabalik sa bansa ay inaasahan ng marami bilang isang hindi malilimutang kaganapan, at isang pagkakataon para masaksihan ang kahanga-hangang talento ni Mariah.

Sa kabila ng mga hindi pa na-aanunsyong ticket prices, ang excitement sa kanyang concert ay patuloy na lumalaki. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, tiyak na magbibigay saya at tuwa si Mariah Carey sa kanyang mga tagahanga, kaya’t huwag palampasin ang pagkakataong makita siya ng personal sa kanyang world tour.

You may also like

Leave a Comment