Naglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kalagayan sa South China Sea sa kanyang kamakailang state visit sa Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo, mahalagang gampanan ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagtatag ng kapayapaan sa South China Sea at sa mas malawak na rehiyong Indo-Pacific.
Binigyang-diin din ni PBBM ang pangangailangan ng patuloy na bilateral na talakayan sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng mabilis na pagbabago ng geopolitical dynamics sa rehiyon. Aniya, mas lalong nagiging mahalaga ang diplomatikong ugnayan at matibay na kooperasyon upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-halaga ng Pangulo ang strategic partnership sa Amerika na tumutulong sa pagpapalakas ng depensa, maritime security, at pagpapalitan ng impormasyon laban sa anumang banta sa soberanya.
Patuloy umano ang pagtutulungan ng dalawang bansa hindi lamang sa larangan ng seguridad kundi pati na rin sa ekonomiya, teknolohiya, at edukasyon, na pawang makatutulong sa pagsulong ng pambansang interes.