Home » Mapayapang 2025 National Elections, Kumpirmado ng PNP

Mapayapang 2025 National Elections, Kumpirmado ng PNP

by GNN News
0 comments

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang kabuuang proseso ng 2025 National and Local Elections, batay sa kanilang ulat nitong linggo.

Ayon sa PNP, walang naitalang malawakang karahasan o seryosong banta sa seguridad sa kahit anong bahagi ng bansa. Mahigpit umanong ipinatupad ng PNP ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at tapat ang halalan.

Bilang bahagi ng seguridad, mahigit 205,000 personnel mula sa PNP at iba’t ibang partner agencies ang ipinakalat upang magbantay sa mga presinto at canvassing centers sa buong bansa.

Bagamat may ilang minor technical issues gaya ng nasirang counting machines at pagkaantala ng pagbubukas ng ilang presinto, agad naman itong naresolba ng mga kinauukulan.

Mayroon ding mga naitalang kaso ng paglabag sa liquor ban at umanoy vote buying, subalit ito ay kasalukuyang iniimbestigahan at wala pang opisyal na deklarasyon mula sa mga awtoridad.

Ayon sa PNP, wala ni isa mang insidente ang nakaapekto sa kabuuang daloy ng halalan o nagdulot ng takot sa mga botante. Sa kabila ng isolated cases, nanatiling maayos ang buong eleksyon.

Sa ngayon, nananatiling naka-full alert status ang mga tauhan ng PNP habang isinasagawa ang canvassing at proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa iba’t ibang rehiyon.

Ang mapayapang 2025 national elections ay bunga ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng PNP, COMELEC, Armed Forces of the Philippines, at mga lokal na pamahalaan. Ipinagpapasalamat ng pamahalaan ang partisipasyon at disiplina ng mamamayan na siyang nagpanatili ng kapayapaan sa panahon ng halalan.

Para sa mga susunod na update sa halalan, manatiling nakatutok sa GNN Halalan 2025 coverage.

You may also like

Leave a Comment