Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Isiniwalat ng MalacaƱang na ang posibleng dahilan ng pagguho ng Cabagan Sta. Maria Bridge sa Isabela ay maaaring dahil sa underdesign, batay sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, lumalabas na ang disenyo ng tulay ay para lamang sa mga light vehicles, dahilan kung bakit hindi nito nakayanan ang bigat ng isang truck na may kargang mahigit 100 tonelada.
Ang terminong underdesign ay tumutukoy sa isang istrukturang may hindi sapat na lakas o kapasidad upang makamit ang inaasahang function nito, ayon sa mga eksperto sa imprastraktura.
Pananagutin ang May Sala, Tiniyak ng MalacaƱang
Tiniyak ng MalacaƱang na papapanagutin ang sinumang responsable sa insidenteng ito, lalo naāt natapos lamang ang tulay noong Pebrero matapos ang halos isang dekada ng konstruksyon. Ang proyekto, na sinimulan noong 2014, ay nagkaroon ng pondong ā±1.2 bilyon.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon upang matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan sa disenyo, materyales, o pagpapatupad ng proyekto.
