Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Katahimikan ang bumalot sa ilang paliparan sa Germany nitong Linggo matapos mag-walkout ang karamihan sa mga empleyado, na nagdulot ng malawakang flight cancellations.
Sa kabuuang 280 scheduled flights, tanging 10 lamang ang natuloy, dahilan upang mahigit 400 pasahero ang maapektuhan. Ikinagulat ito ng airport management, lalo na’t nakatakda pa sana sa susunod na araw ang opisyal na strike ng mga empleyado.
Ayon sa ulat, labing tatlong paliparan ng naturang airline company ang magkakaroon ng strike o posibleng mawalan ng biyahe. Matagal nang isinusulong ng mga empleyado ang mas mabuting kondisyon sa trabaho, dagdag na day off, mas mataas na annual bonus, at mas pinaigting na seguridad sa trabaho.
Itinuring ng airport management bilang “kawalan ng respeto” ang biglaang kilos-protestang ito. Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na tugon ang pamunuan ng paliparan sa kung paano nila haharapin ang mga na-cancel na flights at ang patuloy na welga ng kanilang mga empleyado.