Home » LTFRB, nagtakda ng safety training sa PUV

LTFRB, nagtakda ng safety training sa PUV

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong regulasyon sa pag-renew ng prangkisa ng mga public utility vehicles (PUVs), kung saan required na sumailalim sa training sa road safety ang mga driver at konduktor bago maaprubahan ang kanilang prangkisa.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang bagong regulasyong ito ay layuning mabawasan ang dumaraming insidente ng aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa batas trapiko at mas mataas na antipikasyon sa road safety measures.

Driver’s and Conductor Academy Program (DCAP) ang itatawag sa naturang training, na may pangunahing layunin na:
✔ Palakasin ang kaalaman sa road safety
✔ Isailalim ang mga driver at konduktor sa psychological assessment
✔ Sanayin sila sa first aid at life support training

Upang matiyak ang epektibong pagsasanay, mag-a-accredit din ang LTFRB ng mga driving schools na magsasagawa ng training sessions.

Ang training ay tatagal mula dalawang (2) hanggang walong (8) araw at magkakaroon ng training fee na ₱2,000.

Unti-unting ipatutupad ang regulasyong ito upang bigyang pagkakataon ang mga PUV drivers at konduktor na makapag-adjust sa bagong sistema.

You may also like

Leave a Comment