Home » Amazon maglalabas ng live-action Bratz movie

Amazon maglalabas ng live-action Bratz movie

by GNN News
0 comments


Strut it! Nakumpirma na ang pagbuo ng isang live-action Bratz movie matapos ianunsyo ng Amazon MGM Studios ang pagkaka-secure ng film deal para sa sikat na doll line na Bratz, kilala bilang “Girls with a Passion for Fashion.”

Ang iconic na grupo nina Cloe, Yasmin, Jade, at Sasha, na sumikat noong early 2000s, ay muling bibigyang-buhay sa pamamagitan ng pelikula na kasalukuyang nasa pre-production stage. Ayon sa ulat, pinag-iisipan umanong isama si Kim Kardashian bilang kontrabida sa nasabing pelikula.

Bagama’t wala pang opisyal na cast o release date, inaasahang magiging patok ito lalo na sa mga lumaki kasama ang Bratz dolls. Ang pelikula ay layong bigyang-pugay sa makulay at trendsetting na fashion world ng Bratz na naging bahagi ng pop culture.

Sa muling pagbabalik ng live-action Bratz movie, tiyak na muling maaalala ng fans ang kanilang pagkahilig sa bold outfits, friendship goals, at fierce attitude na sumalamin sa henerasyon ng 2000s.


You may also like

Leave a Comment