Home » Libreng WiFi, Hatid ng DICT sa Tawi-Tawi

Libreng WiFi, Hatid ng DICT sa Tawi-Tawi

by GNN News
0 comments

Nakatanggap ng malaking tulong ang lalawigan ng Tawi-Tawi matapos itong mapabilang sa mga benepisyaryo ng Free Public Internet Access Program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Layunin ng programa na mapabilis at mapabuti ang internet connectivity sa mga lugar na tinuturing na may kahirapan sa online access — kabilang na ang Tawi-Tawi na kilala bilang isa sa mga “worst islands to go online.”

Sa ilalim ng proyekto, nag-install ang DICT ng 53 WiFi access points sa 25 lokasyon sa buong probinsya. Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, municipal halls, at health centers, upang matiyak na maraming residente ang makikinabang sa serbisyong ito.

Bahagi ito ng malawakang digitalization effort ng pamahalaan na layong isulong ang inklusibong paggamit ng teknolohiya sa buong bansa, lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

Sa tulong ng libreng pampublikong WiFi, umaasa ang DICT na mas magkakaroon ng oportunidad ang mga taga-Tawi-Tawi sa edukasyon, negosyo, at serbisyo publiko sa pamamagitan ng mas maayos na koneksyon sa internet.


You may also like

Leave a Comment