Home » Libreng Sakay Para sa PWD sa LRT-2

Libreng Sakay Para sa PWD sa LRT-2

by GNN News
0 comments

Bilang bahagi ng paggunita sa National Disability Rights Week, naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng libreng sakay para sa Persons with Disability (PWD) sa LRT Line 2.

Ang libreng sakay para sa PWD ay epektibo mula Hulyo 17 hanggang 23, na may takdang oras mula alas-siyete hanggang alas-nwebe ng umaga at alas-singko hanggang alas-siyete ng gabi.

Ayon sa DSWD, layunin ng inisyatibong ito na mapalawak ang access at mobility ng mga PWD, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan at sa adhikain ng pantay-pantay na karapatan.

Upang makagamit ng libreng sakay, kinakailangang ipakita lamang ang kanilang PWD ID sa ticket booth o sa station personnel sa alinmang istasyon ng LRT Line 2.

Ang programa ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang maitaguyod ang inklusibong serbisyo-publiko at suportahan ang kapakanan ng mga sektor na madalas na isinasantabi.


You may also like

Leave a Comment