Isko Moreno nagdeklara ng emergency sa basura crisis
Nag-anunsiyo si Mayor Isko Moreno na kailangang magdeklara ng state of health emergency sa kapitolyo ng bansa matapos ang krisis sa basura kamakailan.
Ayon sa alkalde, sa loob lamang ng tatlong araw, inaasahang maibabalik na ang regular na sistema sa basura, dahil 2,500 metric tons ng basura ang nakolekta sa loob ng 24-oras mula nang siya’y bumalik sa posisyon. Ito ay hakbang upang agarang tugunan ang krisis sa basura Maynila.

Ibinunyag ni Mayor Isko na ang dahilan ng tambak na basura ay ang pagkakautang ng P950 milyon ng lungsod sa mga waste management corporation. Dahil dito, itinigil ng mga kompanya ang kanilang operasyon bunsod ng mga unsettled payments simula pa noong Enero.
Bagamat malaking hamon, tiniyak ng alkalde sa mga residente ng Maynila na ginagawa na ang lahat ng paraan upang maibalik ang kaayusan at kalinisan sa lungsod, lalo na’t may banta ito sa kalusugan ng publiko.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaang lokal upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng mga Manileño sa gitna ng krisis sa basura Maynila.