Greatness comes through blood.
Patuloy ang paggawa ng pangalan ni Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ni Olympic Double Gold Medalist Carlos Yulo, sa mundo ng gymnastics.
Matapos ang isang kahanga-hangang performance, naiuwi ni Karl Eldrew Yulo ang pilak na medalya sa Men’s Junior Vault matapos makakuha ng score na 13.850 sa 2025 Asian Men’s Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Jecheon, South Korea.
Bagamat hindi nakasampa sa podium sa iba pang kategorya gaya ng Pommel Horse, Floor Exercise, Horizontal Bar, at Individual All-Around, ipinamalas pa rin ni Yulo ang kanyang galing at dedikasyon bilang isang batang atleta na sumusunod sa yapak ng kanyang kapatid.

Ang pagkapanalo ni Karl Eldrew Yulo ng silver medal ay isa na namang patunay na ang talento at disiplina ng pamilya Yulo sa gymnastics ay patuloy na namamayagpag sa international stage.