
Sa patuloy na hangarin ng pagkakaisa at kapayapaan sa rehiyon ng BARMM, isinusulong ngayon ng One Bangsamoro Movement o 1BANGSA ang mas pinaigting na kampanya para sa kapayapaan at pag-angat ng kabuhayan ng mamamayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa grupo, mayroong mahigit 3 milyong rehistradong botante sa BARMM, na kung magkakaisa ay maituturing na makapangyarihang tinig para sa pagbabago at pagkakaisa. Hinihikayat ng 1BANGSA ang mga botante na maging mapanuri at pumili ng mga kandidatong may tunay na malasakit sa rehiyon.
Bilang bahagi ng kanilang kampanya, inendorso rin ng 1BANGSA ang Apat Dapat Party-list, na may plataporma para sa:
- Paglikha ng trabaho
- Pagpapaunlad ng agrikultura
- Pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon
- Suporta para sa mga komunidad ng mangingisda at magsasaka
Ayon sa grupo, layunin ng kanilang kampanya para sa kapayapaan sa BARMM na sugpuin ang kahirapan, wakasan ang diskriminasyon, at magbigay ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat. Naniniwala ang 1BANGSA na ang tamang liderato ang susi sa tunay na kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan.
Habang papalapit ang halalan, patuloy ang panawagan ng grupo sa publiko na gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang responsable. Ang pagboto, ayon sa 1BANGSA, ay hindi lamang karapatan kundi isang malakas na hakbang tungo sa katarungan, pagkakaisa, at tuluyang pag-angat ng BARMM.
Dagdag pa ng grupo, ang kanilang mga inendorsong kandidato ay pabor sa buong implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB)—ang kasunduang nilagdaan noong 2014 sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Para sa karagdagang balita ukol sa BARMM, halalan, at kapayapaan, manatiling nakatutok sa GNN Mindanao.