Isang makapangyarihan at ginintuang pagbabalik ang pinatunayan ni Filipino-American singer-songwriter Jessica Sanchez sa entablado ng America’s Got Talent, matapos niyang makatanggap ng Golden Buzzer mula kay Judge Sofia Vergara.
Nagbigay ng standing ovation ang lahat ng judges matapos ang kanyang audition performance, dalawampung taon mula nang una siyang lumahok sa parehong kompetisyon noong 2006.
Ang Jessica Sanchez golden comeback ay naging emosyonal hindi lamang dahil sa kanyang walang kupas na tinig, kundi dahil na rin sa kanyang biglaang rebelasyon na siya ay buntis, na lubos na ikinagulat at ikinatuwa ng live audience.

Matatandaang mas nakilala si Jessica dahil sa kanyang ‘powerhouse vocals’ nang siya ay naging 1st runner-up sa American Idol Season 11 noong 2012, na nagbukas ng maraming oportunidad sa kanyang international music career.
Ngayon, muling pinatunayan ni Jessica ang kanyang husay at karisma, at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino sa buong mundo. Abangan ang kanyang pagganap sa live shows ng AGT sa susunod na mga linggo!